Aug 25, 2012

Hindi siya Bobo

"Wag na wag kang magpapakita sa akin hangga't hindi ka humihingi ng sorry. Wag ka na magproduction"

Bigla kaming napahinto. Si program head at si SP.

Umiiyak na nagkulong sa kwarto si SP. Nakisimpatya kami dahil napahiya siya sa maraming tao.

"Ikaw ba naman ang tawaging puro katawan lang at walang laman ang utak sa harapan ng maraming tao, hindi ka ba mapapahiya? Okay lang sana kung kaming dalawa lang kaso sobra na siya... Ayoko na. Aalis na lang ako."

Ang totoo, may kasalanan rin naman siya kaso hindi nga naman tama na ipahiya siya sa maraming tao. Kanya-kanya dapat kami sa aming segment pero dahil isang grupo na rin lang kami, nagambag-ambag kami ng oras at resources para matulungan siya. Pinatahan namin siya. Tinulungan makipag-usap sa mga contacts. Tinulungan sa production. Pagkatapos ng shoot, bigla siyang nawala. Nagtext...

"Salamat sa tulong ninyo guys. Babawi ako sa inyo bukas, promise!"

Nagkatinginan kami. Halos hindi makapag-salita.

"Umalis na siya?"
"Umuwi?"
"Sinong mageedit ng segment niya?"
"Talent ko pa dapat siya sa segment ko ah."
"Wala naman siyang iniwang script."
"Sinong magvo-voice over?"
"Hindi pa ako tapos sa segment ko."
"Inuna pa kasi natin siya."

Hindi niya lang minsan ginawa to. Hihingan ka ng tulong, aabushin ka pa. Hihingan mo ng tulong, ni hindi magreply o sagutin man lang ang tawag.

Kinabukasan... pumunta siya ng meeting. Nakangiti. Walang paki. Tapos ang segment niya samantalang karamihan sa amin ang hindi pa.

Mali ang program head namin. Hindi siya bobo. Sinungaling... Manggagamit... pero hindi bobo.


9 comments:

  1. nakakaburaot yung ganyang mga tao. hehe. pagdasal na lang pards...

    na kunin na siya ni Lord. Lol. Jowk.

    Anu palang work mo tol? Artista ka ata ah! Lol ulet. XD

    ReplyDelete
  2. anak ng tokwa! kakabadtrip yun ah..
    user sya!

    ReplyDelete
  3. nak ng naman yung taong yan oo nga di siya bobo kasi nagamit nya na yung utak nya para magamit kayo eh tsk tae yung taong ganyan. wag ng tulungan next time.

    ReplyDelete
  4. @gord i'm doing some internships right now pero rumaraket sa pagsusulat at pageenglish. hehe.

    @pinkline tama!

    @superjaid tae talaga.

    ReplyDelete
  5. awts.... hindi sya bobo..... isa syang scheming fox. tsk tsk

    ReplyDelete
  6. Grabe, wlang utang na loob lolols XD

    ReplyDelete
  7. Gantihan niyo na lang. Or, harapin niyo siya. Sabihin niyo siya directly na hindi na puede ang kaasbagan na ganyan. Next time, iwan niyo na lang kasi.

    ReplyDelete
  8. @mr.tripster hayaan mo na. iwasan na lang ang mga taong ganyan.

    ReplyDelete

paano ko malalaman kung ano ang problema mo kung di ka magsasalita? magsalita ka! MAGASALITA KA!